Thursday, September 25, 2008

Guardian Angels

When i was in college, i met my 3 guardian angels. they didnt know how much i owe my life to them... they taught me how to value people, things, feelings and LIFE.

PART I - BOJIE
si bojie ay isang sampaguita vendor along gilmore street. walang araw na hindi niya ako hiningan ng piso na kinaiinis ko kasi ayoko nadudumihan ang aking uniform ng kanyang maduming maliliit na kamay. then one time galing ako sa retreat sa batulao at bumabagyo noon pauwi ng manila. pagbaba ko ng aurora blvd, tumatakbo ako pauwi sa dorm. at nakita ko si bojie na sinasalubong ako habang sumisigaw ng ... "ate sumilong ka na langjan sa burger machine at ako na magdodoorbell para sayo. wala ako nasabi kundi isang tango at para akong bata na sumunod s asinabi ni bojie. nung binuksan na ni manang ang gate... narinig ko na lang si bojie na sumigaw ulit ng "ate bilis takbo na" (ibig niyang sabihin ay tumakbo na ako sa loob ng dorm). parang bata na naman akong sumunod sa isang 10 yrs old na nagpaka basa para sa akin. simula noon, nakaugalian na naming mga dormers (bles, cherry at ako) na tumambay sa burger machine after dinner para makipagkwentuhan sa mga batang namamalimos sa gabi . hanggang isang ara iniiwasan na lang kami ni bojie dahil daw binawalan siya ng tatay niya na makipag kaibigan sa amin. alam namin kung bakit ayaw sa amin ng tatay ni bojie.. dahil itinama namin sa isip ni bojie na "ang pag-inom ng alak ay hindi isang trabaho na siyang ipinaniwala ng tatay ni bojie sa kanya. dumating ang pasko at isang napaka espesyal na regalo ang binili namin kay bojie. (sa ibangbata ay may regalo din kaming 3 pero special ang kay bojie). xmas vacation na kaya isa isa nang duamting ang aming sundo para umuwi kami sa aming probinsya. naunang sinundo si bles at cherry kaya iniwan nila sa akin ang regalo par akay bojie at ng sa ganun ay ako ang magbigay dahil hindi nila makita si bojie s alabas ng dorm. hanggang dumating na si daddy pero wala pa din si bojie kaya iniwan ko yung regalo sa burger machine at ibinilin ko na ibigay kay bojie pag nakita nila. sabi ni ate tess sa burger machine.. "anjan si bojie kanina hinahanap kayong 3, ewan ko na kung nasaan ngaun." kaya sumakay na ako ng kotse. nung umandar na ang kotse sabi ng kapatid ko na nakadungaw sa bintana ng kotse..."lani kilala mo ba yung bata, nakatingin sayo..." pagkita ko si bojie nakatayo sa burger machine at may hawak na lollipop na korteng bulaklak... habang palayo ang aming sasakyan para akong naglalaro ng charades at itinuturo ko yung regalo niya sa burger machine... nakita ko siya habang paliit ng paliit si bojie s apaningin ko na inaabot naman niya s aakin yung 3 lollipop na hawak niya... alam kong para sa aming 3 yun nila bles at cherry.
binata na si bojie ngayun, huling balita ko sa kanya ay napanood siya ni cherry sa tv at sumasayaw. dahil sa isang tv network nagtrabaho si cherry pinagtanong niya si bojie... sabi daw ng staff ay nagpupunta lang dun sa kanila yung mga bata para sumayaw at binibigyan sila ng 50 pesos kada labas nila sa tv. hindi maipagkakaila na sadyang madiskarte sa buhay si bojie. hindi kona siya nakita sa gilmore maging sa aurora nung minsang bumalik ako sa dorm para dalawin ang aming landlady. tuwing bday ko lagi kasama si bojie sa pinagwiwish ko... na sana maayos buhay niya ngaun, na sana hindi siya nalulong sa drugs or nasangkot sa nakawan, at sana ay buhay pa siya. kung magkikita kami ni bojie baka hindi na namin makilala ang isat isa, wala na yung lollipop at marahil ay hindi na rin niya sinusuot ang bigay naming mga damit sa kanya dahil binata na siya ngaun... pero umaasa pa rin kaming 3 na dadating ang araw na magkikita kita ulit tayong 4. marami akong natutunan kay bojie... kamukha ng magpahalaga sa pamilya (dahil siya ang bumubuhay sa pamilya niya habang nagpapaka-lasing ang tatay niya), kaibigan at sa mga taong importante sayo at ang pinakamahalagang lesson ay nag hindi pagsuko sa hirap ng buhay. kung nalalaman lang ni bojie na hanggang sa ngaun pag nagdidiscuss ako sa klase, binibigay ko siyang example. sana mabasa mo to at magkita-kita tayong muli.....

No comments: