Friday, September 19, 2008

8 months na si bruno, yipeeee!




























































dumating sa akin si bruno february 28, 2008 pero jan 20 siya pinanganak. mix of cocker spaniel and japanese spitz si bruno, kahit black siya, super sweet at smart yan. katabi ko siya sa bed until mag 6 months siya... pero binili ko siya ng bed nung 7 months na siya kasi napansin ko naggigitgitan na kami sa gabi, hehe! kumpleto siya from bed, to damit, hanggang toothbrush and toothpaste, kumpleto siya sa vitamins, vaccine, etc.

naalala ko pa nung araw na unang nakita ko si bruno sa bahay ng co-teacher ko (kay sir leo), nung kinuha ko si bruno ikiniling na niya yung ulo niya sa braso ko. at naramdaman ko na gusto namin ang isa't isa. 1 1/2 months pa lang si bruno noon at kulang na lang ibigay sa akin ni sir leo ng libre si bruno. inilagay ko siya sa malaking plastic box pag uwi sa bahay, binigyan ko siya ng sariling kumot, may gatas siya at vitamins. nakumpleto ko din shots niya. walang kaso sa akin kung wala siyang papel at kahit hindi siya purebred kasi malaking bagay si bruno sa buhay ko. naging madali kung anuman yung pinagdadaanan ko nung mga panahon na yun dahil kay bruno. lagi kami magkalaro, magkasama, at magkatabi rin kami sa pagtulog. dumaan ang 2 months, 3 months, 4 months... ang laki na ni bruno, hirap na akong buhatin siya dahil sa bilis ng kanyang pagbigat. hanggang napansin ko na lang na nakalimutan ko lahat ng sakit, bigat, lungkot at awa sa sarili. 4 na buwan ang dumaan na kasama ko si bruno at 4 na buwan na pinagdaanan ko yung pinakamahirap na stage... depression.

hanggang nag 5 months si bruno, dinala ko siya sa kanyang magaling na vet (Doc Ben Niones) kailangang isedate si bruno. pag uwi sa haus ang tamlay tamlay pa rin ni bruno. habang nakahiga siya pero gising,nakita ko namay nangingilid na luha sa mata ni bruno... sabihin niyo nang may hogeng ako pero naiyak ako. hindi ko pala kayang makita si bruno sa ganung kalagayan. kinakausap ko siya na kailangan niya gumaling kasi hindi ko kaya pag iniwan niya ako... kitang kita ko si bruno na unti-unting lumakas. nagkakaintidihan talaga kami.

6 months binili ko na si bruno ng sarili niyang bed dahil napansin ko na naggigitgitan na kami sa bed ko pag gabi. nahirapan akong ilayo si bruno sa akin sa pagtulog dahil siguro nakasanayan na namin na magkatabi. dati siya gumigising sa akin pero nung nahiwalay na siya sa akin, siya na ang ginigising ko, hehe!

August 20, 7 months na si bruno at 7 kls na rin siya. maliit na sa kanya yung kanyang blue and violet jersey, ang kanyang windbreaker na galing kay tita libay, maging ang kanyang jumper. binili ko na siya ng mas malaking size na shirt at isang polo-shirt pero favorite niya talaga yung jersey niya kaya gusto niya pa rin sinusuot yun.

September 20 --- wow 8 months na si bruno... ang bilis ng panahon pero ang bilis ko din palang nalagpasan yung mga hirap ng buhay. nagtataka ang marami kung bakit 4 months lang ako umiyak.. siguro dahil kay bruno... sabi ng mga kaibigan ko bakit parang hindi ako nalungkot sa taong nawala sa akin, siguro dahil mas nakaramdam ako ng pagpapahalaga at pagmamahal kay bruno kaysa sa taong yun. marami ang nagsasabi na yung iba inaabot ng taon bago makarecover bakit ako 4 months lang okay na ko. ... siguro dahil mas magandang regalo sa akin si bruno kaysa sa taong yun. hindi namin kailangang sabihin sa isat-isa na "importante ka at espesyal" dahil hindi yun kinakailangang lumabas sa bibig kundi ito ay nararamdaman.

tuwing ika 20th of the month, bumibili ako ng ice cream or cake, pancit or pasta , alam kung kulang pa itong mga handang ito para maiparamdam ko kay bruno na mahal ko siya at hindi ko kakayaning dumaan ang araw na wala siya sa tabi ko.

Happy 8th month Bruno! I love u... mwuuuaaahhhh!

1 comment:

. said...

friendship naluha ako dito sa first blog about bruno...we haven't seen each other for quite a long time and i'm very sorry for i wasn't able to share my shoulder with you during those critical times...kung pwede nga lang na walang nasasaktan at umiiyak sa atin... but such is life...you learned...and it made you even stronger...thanks to bruno...you know how i hate dogs...but i wanna meet bruno one of these days.